Throwback of all throwbacks

 

I could say that my childhood has been so much fun. No internet, no cellphone, no tablet/ipad, just purely having fun and playing outside with my childhood friends and watching tv shows. Every Saturday and Sunday morning, I religiously watch Bioman and Shaider.


Syempre, crush ko si Red One at ako si Pink Five! Until so many years, US had its American version of Bioman which is (go go!) Power Rangers. Ofcourse, forever fan ako ng Bioman. At sinong batang 90's ang hindi nakakakilala kay Shaider at Annie?  At ang mahiwagang yellow mini dress niya na laging nakikitaan ng panty pag tumatambling siya. 

And my favorite 90's anime tv show are Sailormoon, Time Quest, Ghostbusters and Mr. Bogus. Hindi ko alam kung bakit maraming nahuhumaling kay Tuxedo Mask at feeling ng lahat na babae eh sila si Sailor Moon. Oh well, not me, ang favorite ko si Sailor Mars, haha! 





Super aliw ang Time Quest ( lilipad, lilipad takure!). As in super saya ng mga cartoons noon. Syempre, kung mejo sosyaling bata ka bet mo ang mga english cartoons like Ghostbusters at Mr. Bogus, ( mr. bogus, lets play!)


And my favorite english tv show, Are you afraid of the dark? and Sabrina, the teenage witch. Nakakaloka lang ang 'Are you afraid' kasi noong gradeschool kame, every weekend after we have watched the episode of 'are you afraid', magpupulong pulong kame sa gabi ng mga childhood friends ko tas gagawa din kame bonfire sa tapat ng house namin, nakakaloka lang dahil never namin nagawa na lumiyab ang bonfire, eh pano ba naman buhangin ang hinahagis namin s apoy (goodluck talaga kung sisiklab yung apoy), kaya ang ending patay lagi ang apoy namin. Laughtrip lage. Then, magkkwentuhan lahat kame ng horror, kahit alam mong kalokohan ang kwento at puchu puchu ang scene ng kwento, benta padin, haha! 


And lastly, Sabrina the teenage witch. Wish ko noon, maging cutie witch ako at may powers and all. Bongga lang! Ang bata nga naman... haha.
I'm sure many of you have their own favorite 90's tv show. Share nio naman!

No comments:

Post a Comment

Thank you for taking a time to read my blog. For questions, and violent reactions? lol, feel free to comment.

Featured Post

Guide To Thailand: Where To Stay in Bangkok and Chiang Mai

A few weeks ago, I traveled to 5 South East Asian countries together with 4 other Travel Bloggers. It's been my long plan to cross ...

Search for DISCOUNTED HOTELS HERE